Nagsama-sama at nag-tulong tulong ang mga major Japanese pharmaceutical firms, venture companies at research organization kabilang ang mga universities upang maka-gawa ng bakuna laban sa coronavirus.
Ngayong linggo, napag-desisyonan ng gobyerno ang apat na pag-aaral na pina-mumunuan ng mga pharmaceutical companies at lima pa na pinamumunuan ng mga research organizations upang i-develop ang isang bakuna, kabilang ang mga subsidies na nagkaka-halaga ng 67 million dollars.
Inaasahang mag-simula ang clinical trials ngayong summer.
Ang isang bakuna ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-culture ng virus sa pag-gamit ng itlog ng manok at animal cell at pag-deroxify nito.
Kadalasan umaabot ito ng isang taon o mahigit pa upang maka-gawa ng maramihang bakuna dahil sa paulit-ulit na pag-susuri na kailangan sa mga pasilidad na may equipment na makakatugon sa high safety standards.
Ngunit ang mga researchers ay nag-aadopt ng bagong teknolohiya upang mapaikli ang proseso para sa coronavirus, sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga parte ng gene ng virus o man-made protein na kilala bilang antigen upang ma-develop ang isang produkto na nag-sasanhi ng immune reaction.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation