Japan magla-launch ng info-sharing system tungkol sa coronavirus

Ang bagong sistema  ay maaaring ma-monitor ang bilang ng mga isinagawang pag-susuri para sa mga possible infection.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan magla-launch ng info-sharing system tungkol sa coronavirus

Magla-launch ng bagong online system ngayong linggo ang Public Health Authorities ng Japan upang mapabuti ang information-sharing ng mga taong infected ng coronavirus.

Ang bagong sistema ay idinevelope ng health ministry upang pag-samahin ang mga datos ng mga taong infected sa pagitan ng central at prefectural governments at public health centers.

Ang mga pasyenteng infected na na-identify ng mga doktor ay maaaring mag-bahagi ng agarang impormasyon sa pamamagitan ng pag-pasok ng datos nito sa isang tablet o iba pang device. Sa kasalukuyan sila ay kinakailangan na mag-sumite ng hand-written outbreak reports sa isang public health center.

&nbspJapan magla-launch ng info-sharing system tungkol sa coronavirus

Ang mga opisyal ng mga public health centers na kasalukuyang tumatawag sa mga taong nag-papagaling sa kanilang tahanan ay maaari nang makita ang kondisyon ng pasyente sa pamamagitan ng pag-update nila sa kanilang status sa isang smartphone app.

Ang bagong sistema  ay maaaring ma-monitor ang bilang ng mga isinagawang pag-susuri para sa mga possible infection.

Sinabi ng health ministry officials na ite-test-launch nila ang sistema sa 21 na municipalities ngayong linggo at plano nila palawakin ang operasyon sa buong bansa sa katapusan ng Mayo.

Sinabi nila na umaasa sila na ang nasabing sistema ay makaka-bawas sa pasanin ng mga nag-tatrabahong tao at ng public health centers.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund