TOCHIGI (TR) –suspetsa ng Tochigi Prefectural Police na ang sunog na nangyari sa hotel na kinalalagyan ng mga pasyenteng mayroong COVID 19 sa lungsod ng Utsunomiya ay posibleng sinadya, ayon sa ulat ng TBS News (May 6).
Bandang alas-11:40 ng gabi, isang empleyado ng Hotel Maruji ang isang fire extinguisher upang patayin ang apoy mula sa nasusunog na carpet at kahoy sa exterior passageways ng hotel.
May 111 na kwarto ang kabuoang inireserba sa hotel para sa mga pasyenteng makararanas ng sintomas ng COVID-19, na sanhi ng novel coronavirus.
Nitong Huwebes, nag-simula nang tumanggap ng pasyente ang hotel. Mayroong 4 na pasyente sa nasabing hotel ng nangyari ang insidente. Ayon sa mga pulis, wala namang naiulat na napinsala sanhi ng sunog.
Kasalukuyang sinusuri ng mga pulis ang security camera footage bilang bahagi ng imbestigasyon.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation