FUKU-ang mga pulis sa Ono, Fukui Prefecture ay inaresto ang isang 64 anyos na lalaki dahil sa Forcible Obstruction of Business matapos niyang takuting pasabugin ng bomba ang prefectural office sa Fukui City.
Ayon sa mga pulis, si Hideji Kishishita ay tumawag umano sa kanilang tanggapan bandang ala-1:10 ng gabi nuong ika-2 ng Mayo, at sinabing nag-lagay umano siya ng bomba sa loob ng kanilang gusali, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Mahigit 190 staff ang inilisan mula sa gusali sa loob ng 2 at kalahating oras. Hinalughog ng mga pulis ang gusali ngunit wala namang nakitang kahina-hinalang bagay sa loob.
Inaresto si Kishishita matapos ma-trace sa kanyang telepono ang nasabing tawag. Sinabi ng mga pulis na bahagya niyang itinanggi ang paratang sa kanya at natatandaan nilang sinabi nito na “ Oo, tumawag ako sa prefectural office, ngunit hindi ko naaalalang nabanggit ko ang isang bomba.
Ayon sa inulat ng isang local media, dalawang buwan ang nakararaan, isang lalaki na pinaniniwalaang si Kishishita ay ilang beses tumawag sa kanilang tanggapan upang ipabatid ang kanyang mga reklamo sa nasabing tanggapan.
Source: Japan Today
Join the Conversation