Isang Japanese confectionery ang lumikha ng Disney character “sports festival” cake para ngayong tag-init

Ang assorted sweet cake ay nagkaka-halaga ng 2,700 yen at ito ay available sa mga branches ng Ginza Cozy Corner mula ika-11 ng Mayo hanggang ika-21 ng Hunyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Japanese confectionery ang lumikha ng Disney character

Sa pangkaraniwan, sila ay gumagawa ng magagandang nine-piece cake sets ng theme sa ilang magagandang pelikula ng Disney. Para sa Araw ng Kababaihan, sila ay gumawa ng isang maganda sari-saring Disney Princess sweets. At ngayon sasalubungin din nila ang tag-init, sa pamamagitan ng isang sporting set.

Ang kosepto nila ay “Disney Sports festival” at ang kada isang karakter ay nag-rerepresent ng Pinag-samang iba`t-ibang karakter at mga sports. Kaya niyo ba mahulaan ang mga cake na ito sa pag-tingin lamang?

&nbspIsang Japanese confectionery ang lumikha ng Disney character

Simula sa kaliwang bahagi sa itaas, mayroong cheese cream roll cake inspired ni Daisy Duck at rhythmic gymnastics.  Tapos sa gitna ay si Mickey Mouse na naka- basketball theme na chocolate at vanilla cream roll cake. Sa bandang kanan, ay running Pluto na chocolate cream cake.

Sa gitnang hanay naman, ay isang Mickey-inspired rugby field na gawa mula sa matcha cream sandwich cake. At isang cheerleading na strawberry cream tart bilang suportang karater sa pangkat ni Mickey. Gumamit naman ng orange at chocolate cream tart na ginawa bilang soccer ball para sa Goofy cake.

Pinag-pares ang Tennis at si Minnie Mouse, ito ay ginamitam ng lemon cream at strawberry cream tart  mula sa ibabang bahagi. At peach and lychee cream shortcake para naman sa Donald Duck at swimming, at ang pinaka-huli ay isang Mickey skateboard themed na may white chocolate cream at raspberry jelly tart.

Ang nine-piece dessert set ay naka-lagay sa isang cute na Mickey and Friends Team box na nag-tatampok ng buong karakter sa kani-kanilang itinakdang palaro.

Ang assorted sweet cake ay nagkaka-halaga ng 2,700 yen at ito ay available sa mga branches ng Ginza Cozy Corner mula ika-11 ng Mayo hanggang ika-21 ng Hunyo.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund