Isang ginang patay, anak nasa malubhang kalagayan matapos tumalon sa isang gusali

Bago pa ang insidente, ang ginang ay nag-sulat ng isang mensahe ng pamamaalam sa kanyang kakilala sa pamamagitan ng kanyang handphone.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang ginang ang namatay at ang kanyang anak ay nasa kritikong kalagayan matapos tumalon sa isang gusali sa Tama City nuong Biyernes. (Twitter)

TOKYO (TR) – Isang ginang ang namatay at nasa kritikal na kalagayan naman ang nank nitong babae matapos tumalon sa isang gusali sa Tama City nitong Biyernes, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (May 9).

Bandang alas-10:40 ng gabi, isang lalaki ang tumawag sa pulis matapos makarinig ng malakas na tunog ng pag-basak at nakita ang dalawang biktima na naka-handusay sa labas ng isang 10-floor building.

Ayon sa Tama-Chuo Police Station, ang ginang na kalaunana`y kinumpirmang patay na sa ospital ay pinaniniwalaang nasa kanyang 30’s -40’s. Samantalang ang kanyang anak na babae nasa 7 taong gulang ay wala pang malay at hindi Sinabi kung gaano ka-kritikal ang kalagayan.

Kalaunan ay natagpuan ng mga pulis ang sapatos at backpack na pag-aari ng mag-ina sa taas ng gusali.

Sinabi ng mga pulis na bago pa ang insidente, ang ginang ay nag-sulat ng isang mensahe ng pamamaalam sa kanyang kakilala sa pamamagitan ng kanyang handphone.

Tinatrato ng mga pulis ang kaso bilang forced double suicide.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund