TOKYO- isang babae ang namatay matapos bumagsak sa isang truck nang ito ay tumalon mula sa isang tulay sa Adachi ward nuong Miyekulan, na pinaniniwalaang kaso ng isang pagpapa-tiwakal, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng Yomiuri Shimbun (May 14).
Bandang alas-4:30 ng madaling araw, isang ginang na tinatantyang nasa edad na 30’s ang tumalon sa isang tulay at bumagsak sa truck habang ang huli ay bumabyahe sa National Route 4 sa bandang Senjuokawa cho area.
Ayon sa mga Ayase Police Station, isang taxi driver na nakita ang pangyayari ang nagpa-hinto sa truck dahil ito ay umandar pa ng mahigit 1.5 kilometro habang hindi namalayang nasa itaas ang babae.
Ang lalaking driver ng truck ay bumama mula sa kanyang sasakyan at inalis ang babae mula sa itaas ng truck. “Isa itong manika” ani nito sa taxi driver bago ito himarurot pa-alis. Kalaunan, ang babae ay nakumpirmang wala ng buhay sa isang ospital.
Iniimbestigahan pa rin ang pagkaka-kilanlan ng babae, na pinaniniwalang sadyang tumalon sa tulay upang kitilin ang sariling buhay.
Tinatanong naman ng mga pulis ang driver ng truck na nasa kanyang 60’s, na kalaunan na natagpuan sa Saitama Prefecture.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation