TOCHIGI (TR) – inaresto ng Tochigi Prefectural Police ang 41 anyos na ginang dahil sa matinding pananakit umano nito sa kanyang sanggol na anak na nag-resulta sa pag-panaw nito 2 taon na ang nakalilipas, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (May 27).
Nuong ika-1 at ika-2 ng Agosto, taong 2018 si Keiko Ishibashi, walang trabaho ay ginulpi umano ang kanyang 2 buwang gulang na anak na si Reon sa kanilang tirahan nuong mga panahong iyon sa Horigome cho sa Sano City.
Ayon sa mga pulis, ang sanggol ay nagtamo ng pinsala sa kanyang bungo.
Nuong siya ay inaresto sa kasong hinalang pag-patay nitong Miyerkules, tumangging mag-bigay ng pahayag si Ishibashi ukol sa alegasyong ikinaso sa kanya.
Bandang alas-6:30 ng umaga nuong ika-2 ng Agosto, tumawag sa emergency service si Ishibashi. “ May hindi tama sa aking anak,” sinabi nito.
Nuong mga panahong iyon, kasama ni Ishibashi sa kanilang tirahan ang ama ni Reon na isang Bangladesh national.
Wala namang kasong nai-ulat ukol sa pang-aabuso laban kay Ishibashi. Ngunit, ini-imbestigahan ng mga pulis kung palagi niyang sinasaktan ang sanggol.
Mula nuong nangyari ang insidente ang suspek ay lumipat na ng tirahan sa lungsod ng Oizumi, Prepektura ng Gunma.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation