Ang ilang mga prefecture sa Japan ay nagsimulang magbukas ng kanilang mga negosyo habang ang gobyerno ay pinagpapasyahan na ang pag-lift ng state of emergency dahil sa coronavirus ngayong katapusan ng buwan.
Mahigit sa 30 na mga prefecture ang inaasahan na magkaroon ng mga pagluwag ng mga ban ngunit ang Tokyo ay malamang na mananatili na nasa ilalim ng idineklarang state of emergency.
Sa gitnang distrito ng Shinjuku ng Tokyo, ang bilang ng mga taong nagsimulang bumalik sa trabaho ay dumami pagkatapos ng golden week holiday.
Noong Lunes ng umaga, ang mga kalye malapit sa istasyon ng Shinjuku – na isa sa mga pinaka-abala na station sa mundo – ay nagsimulang dumami ang mga tao kaysa sa mga nakaraang araw.
Sinabi ng isang commuter, “bumalik ako sa trabaho kasi sa nature ng aking trabaho, kailangan ko makipagkita saaking mga kliyente. Kaya mahirap para sa akin na magtrabaho mula sa bahay.”
Plano ng pamahalaan na talakayin ang pag-aangat ng estado ng emerhensiya para sa ilang mga prefecture sa isang pulong ng mga panel ng mga eksperto nitong Huwebes.
Ang isa sa inaasahang pamantayan ay kung ang mga lugar ay nakakakita ng pagbaba sa lingguhang mga bagong kaso ng covid-19 sa populasyon ng rehiyon.
Sa Fukui prefecture, gitnang Japan, walang mga bagong kaso ang naiulat na loob ng mahigit sa 10 araw gaya ng Linggo.
Binuksan muli ang isang aquarium matapos ang halos isang buwan.
Ngunit ang bilang ng mga bisita ay limitado, at mahigpit na pinapatupad ang social distancing.
Sa kasalukuyan, ang Japan ay may higit sa 15,000 na nakumpirma na mga kaso. Ang mga nainiulat nanasawi naman ay na nasa 630 katao.
Source: NHK World
Join the Conversation