Hinihimok ng pamahalaan ng Japan ang mga tao na patuloy na mag-ingat at ugaliin pa rin sundin ang mga hakbang upang maka-iwas mahawa sa coronavirus sa kabila ng pag-alis ng state of emergency sa ilang mga prepektura.
Ang deklarasyon ng emergency ay inalis sa 39 prepektura nitong Huwebes, ngunit hindi pa sa 8 prepektura kabilang ang Tokyo at Osaka.
Ngunit, maraming tao pa rin amg nakikitang lumalabas mula sa walong prepektura nuong Biyernes kumpara sa mga nagdaang araw.
Ayon kay Nishimura Yasutoshi, ang Economic Revitalization Minister ng Japan nuong Sabado, siya ay nababahala sa mga tao na masyadong kampante.
Pina-alalahanan niya rin na maaaring magkaroon ng second wave ng impeksyon katulad na lamang ng nangyari sa South Korea at Germany.
Mino-monitor ng pamahalaan ang posibleng muling pagka-buhay ng mga kaso ng impeksyon dahil plano nitong alisin ang state of emergency sa 8 pang prepektura sa darating na Huwebes.
Balak din ng pamahalaan na sabihan ang mga residente sa buong bansa na ipagpatuloy ang pag-sunod sa physical distancing at iba pang hakbang, lalo na sa pag-punta sa mga bars, nightclubs, live music venues, karaoke parlors at sports gyms.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation