Government panel, susuriin ang pamantayan para sa virus testing

Ang mga taong kailangan matignan, kabilang ang mga taong mayroong hindi malalang sintomas, ay dapat ma-suri.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGovernment panel, susuriin ang pamantayan para sa virus testing

Ang mga eksperto ng isang government panel ng Japan ang nag-sabi na pinag-aaralan nila ang pamantayan ng mga taong dapat ma-suri para sa coronavirus.

Ang hakbang na ito ay isina-gawa dahil sa mga reklamong natanggap dahil ang kasalukuyang pamantayan ay masyadong mahigpit.

Ang isa sa patnubay na itinalaga ng Health Ministry ay ang mga taong nais ma-suri ay kinakailangan munang makipag-ugnayan sa lokal na health authorities matapos magkaroon ng 37.5 degrees celcius o mas mataas pang temperatura sa 4 na araw.

Ngunit ayon sa mga eksperto ang mga nasabing panuntunan ay nagpapa-hirap sa mga tao sa Japan na suma-ilalim sa PCR test, sa kabila ng pag-sisikap ng bansa na palawakin ang kakayahan ng pag-susuri sa mga tao.

Ang deputy head ng panel na si Omi Shigeru ay nag-sabi sa mga reporters nuong Lunes na ang bilang ng mga pag-susuring maaaring magawa kada araw ay patuloy na tumataas, ngunit ito ay dapat pang padamihin.

Ayon pa kay Omi, ang mga taong kailangan matignan, kabilang ang mga taong mayroong hindi malalang sintomas, ay dapat ma-suri.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund