TOKYO
Sa isang gabi na hindi kalayuan, pasekretong papailawin ang night skies sa buong Japan ng mga fireworks maker upang makapagbigay saya at inspirasyon sa buong bansa na pagod na sa pakikipaglaban sa coronavirus.
Ang mga fireworks ay isang tradisyon sa Japan, kung saan ang napakalaking, makulay na mga display ay isang iconic na simbolo ng tag-init, maraming nagsusuot ng makulay na yukata tuwing summer na siguradong kanselado dahil sa kasalukuyang sitwasyon.
Ngayong taon, kasama ang maraming mga pagdiriwang, kasama ang isa sa mga pinaka sikat, sa Sumida River ng Tokyo, ay kanselado dahil sa virus, ang mga gumagawa ng mga paputok na nahaharap sa krisis dahil sa kakulangan ng trabaho ay nagsimulang magpulong at humantong sa desisyon na magsagawa ng “Cheer Up! Fireworks Project”.
“Ang lahat ay nawalan ng lakas dahil sa coronavirus at samadilim na oras na ito, nais naming pasayahin ang mga tao,” sabi ni Hiroshi Oguchi, ang ikatlong henerasyon ng kanyang pamilya na San-en Fireworks Co sa Shizuoka sa gitnang Japan. “Gayundin, ang mga fireworks sa Japan ay nagsimula sa pangunahin rason bilang isang paraan ng pagtapon ng mga bad luck, kaya’t ito ang dalawa naming layunin.”
Nasa mahigit 130 na mga kumpanya ng fireworks maker mula sa Hokkaido hanggang Okinawa ang makikilahok, na magre-release ng fireworks sa eksaktong parehong oras, sinabi ni Oguchi.
“Pananatilihin din naming sekreto kung saan ito mangyayari,” dagdag niya, kahit na isinasaalang-alang ng grupo ang isang pasabog sa social media upang ipaalam sa mga tao bago ito mangyari.
© (c) Copyright Thomson Reuters 2020.
Join the Conversation