Financial assistance para sa mga estudyanteng nangangailangan ng pinasyal na tulong, ipina-plano na ng pamahalaan

Mag-aalok ng cash handouts ang pamahalaan ng Japan sa mga estudyanteng nakararanas ng kahirapan pang pinansiyal sanhi ng coronavirus outbreak. Ang nasabing programa ay mapopondohan ng isang extra budget na ipinatupad nito huling yugto ng Abril. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFinancial assistance para sa mga estudyanteng nangangailangan ng pinasyal na tulong, ipina-plano na ng pamahalaan

Mag-aalok ng cash handouts ang pamahalaan ng Japan sa mga estudyanteng nakararanas ng kahirapan pang pinansiyal sanhi ng coronavirus outbreak. Ang nasabing programa ay mapopondohan ng isang extra budget na ipinatupad nitong huling yugto ng Abril.

Sumang-ayon ang gabinete nitong Martes na mag-alok ng 100,000 lapad o mahigit 930 dolyar sa mga estudyanteng bumaba ang kinita mula sa kanilang part-time jobs na nalugi dahil sa pag-sasara ng mga negosyo.

Ang mga mag-aaral na mayroong  mas mababang kinita ay maaaring maka-tanggap ng hanggang sa 200,000yen.

Tutukuyin ng nasabing programa ang mahigit 430,000 estudyante kabilang ang unibersidad, graduate schools, Japanese language  school at iba pang mga institusyon.

Ang mga paaralan ang mag-confirm  ukol sa financial condition ng mag-aaral, bago pa man na ihulog ang tulong o aid sa buong Japan Student Services Organizations.

Ang nasabing programa ay inaasahang magkakahalaga ng mahigit 53.1 bilyon yen o 500 milyong dolyares at ito ay maisasa-gawa gamit ang reserbang pondo mula sa supplementary budget para sa kasalukuyang taon.

Ang student payout ay karagdagan mula sa 10 lapad na isang beses lamang na ibibigay ng pamahalaan para sa mga residente ng Japan, ito ay nakatutok at ipinapa-gaang ang nararanasan na sitwasyon sa kasalukuyan sanhi ng pandemiko.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund