Ang mga flower farmers sa Japan ay humaharap sa isang napaka-hirap na panahon dahil humina ang kanilang kita sanhi ng pandemikong dala ng coronavirus.
Ang Sukiya restaurant chain ay nag-desisyon na mag-tinda ng Carnation para sa Mother`s Day sa kanilang mahigit 700 na beef bowl restaurant sa buong Japan.
Kada branch nila ay nag-bebenta ng 100 yen kada bulaklak, kaysa naman na itapon ang mga ito.
Sa isang outlet nito sa lungsod ng Kawasaki malapit sa Tokyo, isang Junior High School student ang bumili ng isang kumpol ng makukulay bulaklak.
Sinabi niya na hindi niya inaasahan na ang nasabing kainan ay nag-aalok ng mga murang bulaklak, ngunit siya ay masaya dahil maipapa-dama niya ang kanyang pasasalamat at pag-mamahal sa kanyang ina sa pamamagitan ng binili niyang bulaklak.
Sinabi ng strategy manager ng Sukiya na si Ataku Mayumi na ang desisyon na pag-titinda ng Carnation ay bilang tulong sa industriya ng mga nag-titinda ng bulaklak at pag-bibigay ng masayang alaala sa mga tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation