Ang mga opisyales ng prepektura ng Oita sa southern Japan ay nagsa-gawa ng isang pag-diriwang na mayroong makabagong uri ng lifestyle na maaaring maka-iwas na mahawaan ng coronavirus infections.
Hinihikayat ng central government ang mga ganitong klase ng hakbang upang ma-maintain ang physical distance at pag-suot ng face masks.
Nitong Biyernes, mahigit 20 katao ang nag-tipon tipon sa isang Japanese-style pub.
Ilang mga tao sa isang lamesa ang naka-suot ng mask, habang ang iba ay umiiwas ang pag-upo ng magkaharap.
May iba naman na naka-suot ng face shields habang umiinom at kumakain.
Ang ilang mga tao rin ay nag-toast nang hindi pinag didikit ang mga baso.
May isang nag-sabi na mahirap makipag usap sa isang tao sa kabilang dulo ng lamesa, ngunit nakuha pa rin niyang mag-enjoy sa party nang hindi nag-aalala sa mga droplets.
Plano ng prepektura na gumawa ng impormasyon ukol sa trial na available sa kanilang website.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation