Ang pananatili sa bahay ay maaaring makapag-palala sa pag-inom

Hinihimok ang mga alcoholic at ang kanilang mga pamilya na humingi ng tulong bago pa sila matalo ng kanilang mga problema.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng pananatili sa bahay ay maaaring makapag-palala sa pag-inom

Isang emergency seminarang isinagawa online upang matulungan ang mga kaso ukol sa alcohol addiction, dahil ang mga tao ay napipilitang manatili sa kanilang mga tahanan bilang pag-sunod sa kahilingan upang maiwasan ang patuloy na pag-kalat ng coronavirus.

Ang Japan-based group na “Oneness Group” ay nakikipag-tulungan sa mga tao upang maka-recover mula sa alcohol addiction.

Sinabi nito na sila ay naka-tanggap ng 58 request para sa payo ukol sa problema sa pag-inom nitong Abril, na ngayon ay doble ang bilang ng natanggap nitong buwan.

Ito ay paiba-iba mula sa “ Ako ay umiinom ng mas madami dahil sinabihan ako na manatili sa bahay at wala akong ginagawa” at “ nagiging bayolente ang aking asawa kapag siya ay nakaka-inom.”

Napag-desisyonan ng grupo na mag-bigay ng seminar para sa mga alcoholics at sa kanilang mga pamilya, dahil maaaring mag-palala ng sitwasyon sa kanilang addiction ang mahabang bakasyon ng Japan nagyon.

Sa seminar nuong Sabado, ipinaliwanag na ang mga alcoholics ay may kaugalian na mag-isip ng kanilang pansariling kagustuhan sa pag-inom ng alcohol, makaramdam ng physical discomfort at ang pamilya ay posibilidad na ma-frustrate, mabalisa at lumayo sa lipunan.

Hinihimok ang mga alcoholic at ang kanilang mga pamilya na humingi ng tulong bago pa sila matalo ng kanilang mga problema.

Sinabi ng Co-President ng grupo na si Miyake Takayuki na sila ay nakatanggap ng tumataas na bilang ng tawag ukol sa mga alcoholic na tao na nag-simula nanamang uminom at hindi humingi ng tulong ukol sa kanilang problema.

Sinabi niya na nais ng grupo na maka-tulong sa ano mang paraan sa pamamagitan ng online at iba pang hakbang na maaaring magamit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund