Aichi Obu: Pinoy huli sa tangkang pagpatay sa kanyang dating boss

Inaresto ang isang Pilipinong lalaki dahil sa panloloob ng bahay at tangkang pagpatay sa kanyang dating boss sa Obu City kung saan napag-alaman din na may utang siya sa biktima. #PortaJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Aichi: Inaresto ng Aichi Prefectural Police noong Linggo ang isang Pilipinong lalaki sa panloloob ng bahay at tangkang pagpatay sa kanyang dating boss sa Obu City, ulat ng NHK (Mayo 3).

Nangyari ang insidente bandang 9:20 p.m. noong Sabado, si Robby Santos, isang construction worker, na umano’y gumamit ng martilyo upang pukpukin ang ulo ng biktima na si Asahi Sakano sa kanyang pangalawang palapag ng bahay na matatagpuan sa lugar ng Nagakusamachi.

Si Sakano ay isinugod sa isang ospital na wala ng malay at nasa delikadong kalagayan, sinabi ng pulisya.

Tumanggap si Santos ng trabaho mula sa kumpanya ni Sakano bilang isang subcontractor. Humiram din siya ng pera sa biktima.

&nbspAichi Obu: Pinoy huli sa tangkang pagpatay sa kanyang dating boss
Residente ng biktima. Obu City

Habang papatakas si Santos itinulak niya ang nanay ng biktima sa hagdan kung saan nahulog ito, sa ngayon hindi pa nabubunyag kung ano ang injuries na natamo ng nanay ngunit malayo naman daw iyo sa peligro.

Inaresto ng pulisya si Santo sa isang hindi natukoy na lokasyon noong Linggo ng umaga. Nang maaresto siya sa hinalang tangkang pagpatay at pagnanakaw, sinabi niya, “Dahil sa  coronavirus, nawalan ako ng trabaho at nagka-problema sa pera. Hindi ko intensyon na pumatay. ”

Inaalam ngayon ng pulisya kung nangyari ang insidente dahil sa isang problema sa pagitan ng suspek at ng biktima patungkol sa pagbabayad ng hiniram na pera.

Source @Yahoo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund