Aakuin ng gobyerno ang kabayaran para sa test kits ng mga buntis na nagpapa-suri ng COVID-19

Sa kasalukuyan, ang mga babaeng nag-dadalang tao na walang sintomas  ng COVID-19 ay kailangang bayaran ang kanilang coronavirus tests sa kanilang sariling pera. Na nagkaka-halaga ng 185 dollars.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Napag-alaman ng NHK na ang Japan Health Ministry ay napag-desisyon na aakuin ang buong halaga ng babayarin ng coronavirus PCR test para sa mga babaeng nag-dadalang tao.

Sinabi ng mga medical experts na kung ang isang babae na nag-dadalang tao ay hindi alam na siya ay infected, pareho ang bata at ang maternity nurses ay nalalagay sa panganib na mahawa ng sakit.

Ang ministeryo ay mag-bibigay ng subsidy sa mga local government na mapapa-ilalim sa ilang kondisyon, na kabilang kung saan ang lugar na maaaring ilagay ang mga babaeng naging positibo sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, ang mga babaeng nag-dadalang tao na walang sintomas  ng COVID-19 ay kailangang bayaran ang kanilang coronavirus tests sa kanilang sariling pera. Na nagkaka-halaga ng 185 dollars.

Plano rin ng ministeryo na mag-bigay ng subsidies na aabot ng 930 hanggang 2,800 dollars kada tao sa kumpanya na pina-payagan ang mga babaeng nag-dadalang tao na kumuha ng paid holidays sa takot na baka sila ay mahawaan.

Plano din ng ministeryo na i-allocate ang funds para sa mga hakbang sa ikalawang supplementary draft budget para sa taong ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund