HYOGO
Ang mga pulis sa Awaji, Hyogo Prefecture, ay inaresto ang isang 72 taong gulang dahil sa pagdura sa isang empleyado ng convenience store na nasa likuran ng isang plastic sheet na inilagay upang maiwasan ang impeksyon ng COVID-19 sa pagitan ng mga customer at staff.
Ang insidente ay naganap noong Abril 27, iniulat ni Sankei Shimbun. Ayon sa pulisya, ang lalaki, na naaresto noong Miyerkules, ay inamin ang bintang sa kanya at sabi nito na, “gusto kong makita ang reaksyon ng babae at parang katuwaan lang kaya ko nagawa yon.”
Sinabi ng pulisya na unang lumapit ang lalaki sa 24 na taong gulang na empleyado at itinuro ang isa sa mga plastic sheet na naka-install sa mga counter. Pagkatapos ay tinanong niya ang staff, “Ito ba ay para maiwasan ang coronavirus?” bago dinuraan nito ang plastik na kurtina sa direksyon ng babae. Buti nalang at hindi natamaan ng dura ang empleyado, ngunit ang insidente ay nakunan ng cctv ng store.
© Japan Today
Join the Conversation