TOKYO (TR) –inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 60 anyos na lalaki dahil sa pananaksak nito sa isa pang lalaking kapit-bahay at pang-aasulto sa isa pa nitong Linggo, ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun (May 5).
Bandang alas-8:15 ng gabi, si Seiji Hiruta, walang trabaho ay sinaksak umano si Katsuyuki Kobayashi, 38 anyos ng isang kutsilyo sa may pintuan ng residente ng biktima sa Adachi Ward.
Pinukpok din umano ni Hiruta sa ulo ang ama ni Kobayashi (60’s), gamit ang isang martilyo.
Kalaunan, kinumpirmang patay si Kobayashi sa isang ospital. Samantalang ang kanyang ama ay nag-dusa lamang ng kaunting pinsala, ayon sa Takenotsuka Police Station.
Nang maaresto sa kasong suspicion of attempted murder, inamin ni Hiruta ang mga alegasyon. “Dahil sa ingay, hindi na nakayanan ng pasyensya ko.” ani ng suspek.
Nuong panahong iyon, si Kobayashi na nakatira rin sa iisang baranggay, ay bumibisita sa kanyang ama kasama ang kanyang pamilya. Si Hiruta ay kapitbahay ng kanyang ama.
Bago pa mangyari ang insidente, hinahampas raw ni Hiruta ang mga pader. “Lumabas ka at papatayin kita!!” pananakot raw nito.
Iniimbestigahan ng mga pulis kung dapat bang palitan ng murder ang ikinaso sa suspek.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation