HIROSHIMA (TR) –inaresto ng Hiroshima Prefectural Police ang 19 anyos na lalaki matapos nitong ibangga ang minamanehong sasakyan sa istasyon ng pulis sa Fukuyama City nitong umaga ng Martes, mula sa ulat ng Asahi Shimbun (May 19).
Bandang alas-12:40 ng madaling araw, ang lalaki na isang factory worker ay binangga ang kanyang sasakyan sa pangunahing pintuan ng Fukuyama East Police Station.
At sinampal umano ng lalaki ang head patrol officer sa mukha matapos nitong simulang kwestiyunin ang lalaki.
Matapos damputin ng pulis ang lalaki dahil sa kasong interfering with duties of a public servant dahil sa pananampal, umamin naman sa alegasyon laban sa kanya ang lalaki, ayon sa mga awtoridad.
Ang pangunahing pasukan o pintuan ng istasyon ay ilang metro mula sa kalsada. Matapos makarinig ng isang malakas na tunog ang head officer, agad itong lumabas upang tignan ang pangyayari at duon ay nakita niya ang sasakyan na naka-bangga sa pintuan at ang lalaking driver.
Ayon sa pulis, hindi naman nakitaan ng alcohol sa kanyang sistema o hininga ang lalaki.
Suspetsa ng mga pulis na sinadya ng lalaki na ibangga ang kanyang kotse sa entrance ng Police Station, ang imbestigasyon ukol rito ay patuloy na isinasa-gawa at maaring humarap ang lalaki sa kasong property damage.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation