KOCHI- Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 66 taon nitong kasaysayan, ikinansela ang Yosakoi Festival ng Japan dahil sa patuloy na pag-laganap ng coronavirus sa buong bansa, ayon sa mga organizer ng festival nitong Lunes.
Ang kapistahan na sinimulan nuong 1954 sa Kochi Prefecture, western Japan ay pansamantalang naipag-paliban dahil sa masamang panahon o iba pang mga isyu, ngunit ito ay hindi pa kailan man na kansela. Itinakda ang petsa ng kapistahan sa taong ito sa ika-9-12 ng Agosto.
Ayon sa mga organizers, “Pinag-iisipan naming mabuti kung pano ito isasagawa, ngunit dahil hindi maiiwasan ang sitwasyon na maraming tao ang dadalo sa nasabing kapistahan, napag-desisyonan namin na huwag na itong ituloy.”
Kilala ang sayaw ng Yosakoi sa pag-gamit nito ng maliit na wooden clappers na kilala sa tawag na Naruko, ang mga nananayaw ay laging nag-peperfrom kada grupo. Orihinal na sinasayaw ng grupo ay mga folk songs ngunit sa pag-daan ng panahon ito ay nasalihan na rin ng modernong musika tulad ng rock at samba, na lalong nagpa-sikat sa kanilang grupo.
Nuong nakaraang taon mahigit 18,000 mananayaw at 207 koponan, kabilang ang mga taga-ibang bansa ang sumali sa kapistahang ito.
Ang pag-laganap ng pneumonia-causing virus ang naging dahilan ng pagka-kansela ng mga summer festival sa buong Japan, kabilang ang sikat na Awa Odori na sayaw na isinagawa mahigit 400 taon na, sa karatig lugar, sa Tokushima Prefecture.
Source: Japan Today
Join the Conversation