Ayon sa pamahalaan ng Yamanashi Prefecture, isang batang babae na wala pang 1 taong gulang ang isinugod sa pagamutan nitong Miyerkules matapos tumigil ang pag-tibok ng kanyang puso at mapag-alaman na nahawa ng novel coronavirus.
Naagapan ng mga doktor ang pangyayari ngunit ang bata ay nanatili sa kanyang malubhang kondisyon at sumasa-ilalim ng gamutan sa Intensive Care sa University of Yamanashi Hospital.
“Ang bata ay nasa malubhang kondisyon, nanganganib ang kanyang buhay.” sabi ng opisyal ng ospital.
Sinabihan ng pamunuan ng ospital ang 44 na medical staff kabilang ang mga doktor na tumingin sa bata na mag-self isolate sa loob ng 2 linggo. Ang sakit ng bata ay hindi pa nakita nang ito ay dalhin sa ospital at gamutin, at nuong mga oras na iyun ay hindi sila nakapag-handa sa nasabing sitwasyon.
Source: Japan Today
Image: The Mainichi
Join the Conversation