TOKYO — nag-pahiwatig si Prime Minister Shinzo Abe sa mga police officers na maaari nilang sabihan ang mga tao na nasa labas na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan alinsunod sa ginawang deklarasyong State of Emergency dahil sa pag-laganap ng novel coronavirus, na siyang nag-sasabi na ang mga tao ay kailangang manatili sa kani-kanilang tahanan.
Nitong ika-7 ng Abril sa isang pag-pupulong, nag-tanong ang freelance journalist na si Shoko Egawa kung mayroong posibilidad na ang pamahalaan ay “kausapin ang mga pulis na patindihin ang pag-check up at iba pang mga aktibidad upang itaas ang antas ng kamalayan ” dahil ang pansamantalang pag-sasara ng mga negosyo at self-imposed restraint sa pang-labas na mga aktibidad ay paqang mga paki-usap o kahilingan lamang.
At ang kasagutan ni Prime Minister Abe sa kanyang tanong ay, “Dahil wala itong kaparusahan (para sa mga taong hindi sumusunod), ang mga kapulisan ay hindi lalabas upang sila ay hanapin. Ngunit maaari namin hingiin ang kooperasyon mula sa mga pulis.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation