OSAKA – Inihayag ng Sharp Corp. Noong Abril 21 na pansamantalang su-suspindihin nito ang pagbebenta ng mga mask sa kanilang website matapos mag-crash ito sa sobrang dami ng nag-access na mamimili.
Hindi sigurado kung kailan maiba-back up ang site, sinabi ng kumpanya.
Sinimulan ng giant electronic maker ng Japan ang paggawa ng mga masks sa pabrika ng liquid cystal display sa bayan ng Mie Prefecture ng Taki, sa gitnang Japan, noong Marso upang mapagaan ang kakulangan ng mask sa Japan.
Inilalagay nito ang mga produkto sa web shop nito para sa mga pangkalahatang mamimili noong 10 a.m. Abril 21, na may presyo na nasa 3,278 yen kabilang ang buwis para sa isang kahon ng 50 mask, kasama ang 660 yen para sa pagpapadala.
Ang firm ay linimitahan ang mga pagbili sa isang kahon bawat pagbisita sa site upang maiwasan ang stockpiling, ngunit ang trapiko ay umusbong higit sa lahat ng mga inaasahan. Sinabi ng isang kinatawan ng kumpanya, “Magpapatuloy kami sa pagbenta sa sandaling maayos ang website. Kami ay gumagawa pa rin ng mga maska hanggang ngayon.
(Japanese original ni Yuhi Sugiyama, Osaka Business News Department)
Join the Conversation