Sinabi ni Queen Elizabeth ng Britain sa kanyang audio message sa bansa nitong Easter Sunday na, “hindi tayo patatalo sa coronavirus.”
Ang mensahe ay sinabi habang mayroong video nang naka-sinding kandila nitong Sabado.
Sinabi niya sa kanyang audio recording sa Twitter na “Maraming relihiyon ang may iba’t-ibang piyesta na nag-diriwang nang pagka-talo ng dilim sa liwanang.”
Sinabi rin ng Reyna na “Kasunod ng mga nasabing pag-diriwang ay ang pag-sindi ng kandila.” at ito ay “nag-bubuklod sa atin.”
“Ngayong taon, ang Easter ay magiging iba sa karamihan sa atin, ngunit sa ating pag-distansya sa kapwa tayo ay magiging ligtas.” at sinabing hindi kanselado ang Easter, ani pa ng Reyna.
“Nawa’y ang apoy ng pag-asa ng Easter ay maging matatag na patnubay natin sa pag-harap sa hinaharap.”
Ayon sa ulat ng British media, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-isyu ng mensahe ang Reyna upang markahan ang Easter.
Ang Reyna ay nagsa-gawa rin ng rare appearance sa telebisyon nitong ika-5 ng Abril, na nananawagan sa pagkaka-isa ng lahat laban sa coronavirus na siyang sanhi ng pag-panaw ng halos 10,000 katao sa Britain.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation