Pinangalanan na ng pamahalaan ng Osaka ang mga matitigas na ulo na mga Pachinko Parlours na patuloy sa pag ooperate sa gitna ng pandemiko.

” Isang lalaki na taga-Wakayama ay nag-punta sa pachinko kasama ang kanyang asawa at nag-sabi, “Nakita ko ang listahan (nang pangalan ng anim na pachinko) sa balita. Ito ay paki-usap lamang (na pansamantalang mag-sara), at sa tingin ko na hindi naman masama na mag-bukas ang ilang branch nito.”

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspPinangalanan na ng pamahalaan ng Osaka ang mga matitigas na ulo na mga Pachinko Parlours na patuloy sa pag ooperate sa gitna ng pandemiko.
Makikita na maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga kostumer sa labas ng isang Pachinko Parlour sa lungsod ng Sakai, Osaka, Japan. (April 25.)

OSAKA — may isang pachinko parlor sa wester Japan, prepektura ng Osaka ang patuloy pa rin sa pag-operate nitong ika-25 ng Abril kahit na sila ay pinangalanan na at inihiya ng pamunuan ng prepektura dahil sa pananatili nitong bukas sa kabila ng paki-usap na sila ay mag-sara dahil sa novel coronavirus pandemic.

Isinawalat ng pamahalaan ng Osaka Prefecture nuong nakaraan araw ang mga pangalan ng anim na pachinko parlors na patuloy pa rin na nag-ooperate sa kabila ng closure request nito sa kanilang opisyal na website alin-sunod sa batas na espesyal na hakbang laban sa bagong klase ng influenza at iba pang naka-hahawang karamdaman o sakit. Sa anim, inabisuhan ang pamunuan na dalawa rito ay mag-sasara. Plano ng pamunuan na tanggalin o burahin ang pangalan ng establisyamento sa oras na ito ay nakumpirma nang mag-sasara.

Ang mga kostumer ay makikitang naka-pila sa isa sa mga establisyamento sa loob ng lungsod ng Sakai bago pa man ito mag-bukas. Kulang-kulang 150 katao ang nakitang naka-pila at nag-aantay na mabigyan ng entry ticket sa nasabing laruan bago sumapit ang ika-9 ng umaga, isang oras bago ito mag-bukas. Nanawagan ang mga empleyado sa mga kostumer na mag-hiwa-hiwalay.

Makikita sa mga plaka ng mga sasakyang pumarada sa parking lot ng palaruan na ito ay nag-mula pa sa ibang prepektura, kabilang ang Kobe at Wakayama. Mahigit 300 katao ang makikitang naka-pila at nag-aantay hanggang sa mag-bukas ang establisyamento.

Isang tao na naduon ay isang lalaki sa kanyang 60`s, “Ito ay araw-araw ko na libangan, kaya nag-punta ako ulit dito ngayon. Sa tingin ko mas maraming tao ang dumating at pumila ngayon.” Isang lalaki na taga-Wakayama ay nag-punta sa pachinko kasama ang kanyang asawa at nag-sabi, “Nakita ko ang listahan (nang pangalan ng anim na pachinko) sa balita. Ito ay paki-usap lamang (na pansamantalang mag-sara), at sa tingin ko na hindi naman masama na mag-bukas ang ilang branch nito.”

Samantalang, isang 79 anyos na ginang na naninirahan lamang sa malapit, na nag-lalakad-lakad ay nag-pakita ng pag-aalala at nag-sabi, “Nakakatakot isipin na ang mga taong galing pa sa ibang lugar ay maaaring may dalang virus.”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund