Share
Plano ng pamahalaan ng Japan na imbestigahan ang mga nai-ulat na maraming ospital ang tumatanggi na tanggapin ang mga taong pinag-hihinalaang mayroong coronavirus.
Ang Fire and Disaster Management Agency ay mag-sasagawa ng survey sa 52 na Fire Department sa Tokyo at iba pang malalaking siyudad. Ang nilalaman ng survey ay katanungan kung ilang beses tinanggihan ang kanilang ambulansya ng apat o mahigit pa na mga pagamutan.
Nai-ulat na ang mga paramediko ay nahihirapan umanong maka-hanap ng mga ospital na tatanggap sa mga pasyenteng may lagnat o hirap sa pag-hinga dahil sa takot na ito ay infected ng coronavirus.
Ang naturang survey ay kauna-unahan ng nasabing ahensya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation