Pag-sisimula ng klase sa Septyembre, maaaring maging option sa Japan.

Sinabi ni Education Minister Koichi Hagiuda nuong Biyernes na ikinukonsidera ng pamahalaan na simulan ang school year mula Septyembre bilang isang option kung mag-papatuloy man ang pananatiling pagsara ng mga paaralan sa mahabang panahon dahil sa new coronavirus outbreak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Naka-tali at naka-balot ang mga libro sa isang gym ng isang paaralang elementarya sa Osaka nuong ika-12 ng Abril para sa kanilang Entrance Ceremony.

Sinabi ni Education Minister Koichi Hagiuda nuong Biyernes na ikinukonsidera ng pamahalaan na simulan ang school year mula Septyembre bilang isang option kung mag-papatuloy man ang pananatiling pagsara ng mga paaralan sa mahabang panahon dahil sa new coronavirus outbreak.

Mayroong iilan-ilang ang nag-sabi na gawin itong hakbang.

”Batid namin na marami ang nais na maipakatuparan ang kanilang mga opinyon,” ani ni Hagiuda sa isang press conference, isinasa alang-alang ang mga factors at kabilang ang posibilidad na ma-extend ang emergency declaration, na opisyal na itinakdang matapos sa ika-6 ng Mayo.

Nais namin na matugunan ang sitwasyon habang kinukunsidera ang lahat ng mga mayroong posibilidad, ani ng ministro.

Isang ordinansa para sa mga enforcement ng mga School Education Law ang itinakda para sa mga kindergartens, elementarya, junior at senior high school ay naka-set  na mag-simula tuwing Abril, at ang pag-babago ng nasabing ordinansa ay kinakailangan kung ang simula ng termino ng pasukan ay papalitan ng Septyembre. Para naman sa mga unibersidad, ang desisyon sa nararapat na panahon ng panimula ng termino sa pag-pasok ay naka-salalay sa presidente ng bawat indibidwal.

Source and Image: The Japan News/ Yomiuri Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund