TOKYO- ang Olympic flame ay idi-display sa northeastern Prefecture ng Japan, sa Fukushima hanggang sa katapusan ng Abril.
Ang mga opisyal ng Tokyo Olympic at ng Prepektura ay nag-sagawa ng opisyal na “handover ceremony” sa J-Village National Training Center sa Fukushima nitong Miyerkules.
Magkakaroon ng limitadong access ang publiko upang makita ang apoy, ninanais ng mga organizer na limitahan ang dami ng tao dahil sa restriksyon ng lugar sa coronavirus.
Ang apoy ay dumating sa Japan mula sa Greece nuong March 20 at ang torch relay ay dapat naumpisahan na nuong makaraang linggo sa Fukushima. Ang apoy ay nananatili sa prepektura kabilang ang isinagawang seremonya nuong Miyerkules.
Ang prepektura ng Fukushima ay ang rehiyon sa Japan na tinamaan ng 2011 Earthquake, tsunami at ang meltdown ng tatlong nuclear reactors.
Pansamantalang ipinagpaliban ng mga opisyal ng Olympics ang Tokyo Games hanggang sa susunod na taon na naka-takdang simulan sa July 23, 2021.
Hindi pa sinasabi ng mga opisyal kung saan susunod dadalhin ang apoy sa katapusan ng buwan.
Ang layunin ng apoy ay upang makatulong na matuonan ng pansin ang pakikibaka ng rehiyon upang maka-bawi mula sa mga kaganapan siyam na taon na ang nakalilipas. Gayunpaman, ang pag-tutuunan ng Olympics sa susunod na taon ay maaaring mabaling sa pag-bangon mula sa coronavirus pandemic.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation