Nangangamba ang mga doktor sa Tokyo dahil baka ma-overwhelmed ang mga ospital rito

Nag-babala si Kutsuna na kapag patuloy na tumaas ang bilang ng mga pasyente na mayroong coronavirus sa Tokyo, ay mahihirapan umano sila na mabigyan ito ng maayos na pangangalagang medikal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNangangamba ang mga doktor sa Tokyo dahil baka ma-overwhelmed ang mga ospital rito

Isang doktor sa Tokyo Medical Institution for Infectious Diseases ay nag-sabi na siya ay nangangamba sa mga ospital sa kapitolyo dahil matahil hindi nito magamot ang lumalaking bilang ng mga pasyente na na-impeksyon ng coronavirus.

Sinimulan nang ilipat ng pamahalaan ng Tokyo Metropolitan ang mga taong mayroong mild symptoms ng coronavirus sa mga hotel nuong Martes upang magbigay ng espasyo sa ospital para sa mga pasyenteng malulubha ang kalagayan.

Ang National Center for Global Health and Medicine ay mayroong 40 beds ngunit sila ay puno ngayon. Inilipat ng nasabing ospital ang kanilang 6 na pasyente na mayroong minor symptoms sa isang hotel nuong Martes at Miyerkules.

Sinabi ni Doctor Kutsuna Satoshi na agad naman ina-admit ang mga pasyente kung mayroong bakante ngunit ang kakulangan sa mga higaan sa ospital ay malaking problema.

Sinabi rin ng doktor na ang ilang pasyente na nangangailangan ng oxygen inhalers ay ni-reject na ng mahigit 20 ospital dahil sa kakulangan sa mga higaan.

Nag-babala si Kutsuna na kapag patuloy na tumaas ang bilang ng mga pasyente na mayroong coronavirus sa Tokyo, ay mahihirapan umano sila na mabigyan ito ng maayos na pangangalagang medikal. Dinagdag rin nito na kulang ang mga mask at iba pang mga protective equipment, maaari rin magkaroon ng kakulangan sa mga doktor at nurses kung patuloy na tataas ang bilang ng mga may sakit.

Hinihikayat niya ang pamahalaan na magsa-gawa ng pag-transfer ng mga medical workers mula sa mga lugar na hindi masyadong apektado ng nasabing virus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund