Ayon sa Minister in Charge sa coronavirus measures, ang sitwasyon ng pag-kalat ng virus ay nagiging kritikal na.
Nag-komento sa pag-pupulong sa Lower House committee si Nishimura Yasutoshi nitong Lunes na may posibilidad na mag-deklara ang gobyerno ng state of emergency.
Sinabi ni Nishimura na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus at iba pang inpeksyon sa Tokyo ay dumarami. Sinabi niya na sinabi niya ang mga ito kay Punong Ministro Shinzo Abe nitong Linggo.
Dinagdag rin ni Nishimura na hindi pa napag -dedesisyonan ng pamahalaan kung ito ay mag-dedeklara ng state of emergency, ngunit ang kundisyon ay nananatiling kritikal.
Sinabi niya na makakatanggap ng ulat at mga opinyon ang pamahalaan bandang hapon nang Lunes mula sa mga eksperto na nag-aanalyze ng sitwasyon. Sinabi niya rin na matapos ang pag-uusap, ang mga opisyales ay gagawa ng nararapat desisyon ukol sa usapin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation