TOKYO — sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe nuong April 6 na siya ay mag-dedeklara ng state of emergency sa Tokyo at 6 pang prepektura sa susunod na araw bilang tugon hakbang upang mapigilan ang pag-kalat ng novel coronavirus.
Ang pag-aanunsiyo ay nangyari sa isang board meeting ng Liberal Democratic Party nuong April 6.
Ang emergency declaration, na mag-tatagal ng isang buwan ay sakop ang mga prepektura ng Tokyo, Kanagawa, Chiba at Saitama sa metropolitan area, sakop din ang mga prepektura ng Osaka at Hyogo sa western Japan at prepektura ng Fukuoka sa southwestern Japan.
Ang pag dedeklara ng emergency ay base sa binagong version ng batas bilang tugon sa nakaraang influenza pandemic. Ito ay nagmamarkang unang pagkakataon ng deklarasyon na inissue sa bansang Japan.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation