TOKYO- kasalukuyang namimiligro ang mga health care facilities ng Japan sa gitna ng pag-dami ng mga pasyente na mayroong coronavirus.
Ang Japanese Association for Acute Medicine at ang Japanese Society for Emergency Medicine, na kumakatawan sa mga propesyonal ay nagsa-gawa ng joint statement na nag-bababala ukol sa “pag-collapse ng emergency medicine,” na maaaring humantong sa pag-collapse ng pang-kalahatang medisina.
Ayon sa statement, maraming ospital ang tumatanggi sa mga taong dinadala ng mga ambulansya, kabilang ang mga pasyenteng nai-stroke, inatake sa puso at yung mga taong mayroong external injuries. Ang iba sa mga pasyenteng hindi tinanggap ng ospital ay kalaunang napag-alamang mayroong coronavirus.
Sinabi rin sa statement na nagkakaroon na ng kakukangan sa mga masks at surgical gowns.
Sa kasalukuyan, ang Japan ay mayroong 7,000 kaso ng coronavirus at 105 na ang pumanaw dahil dito, ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga ito. Nag-deklara na ng State of Emergency ang pamahalaan, at pinakiki-usapan ang mga tao na manatili sa kani-kanilang mga tahanan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation