TOKYO (Kyodo) –sinabi ng Immigration Services Agency ng Japan na i-eextend nila ng extrang 3 pang buwan ang deadline ng mga banyaga upang irenew ang kanilang period of stay upang maiwasan ang congestion sa mga immigration counters sa gitna ng coronavirus outbreak.
Ang tinutukoy ng hakbang na ito ay ang mga mayroong visa na ma-eexpire sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Hunyo, kabilang dito ang mga short-term stayer tulad ng mga turista.
Sa kasalukuyan, ang mga immigration counters sa buong bansa ay puno ng mga dayuhan, kabilang ang mga short-term stayer, na nag-aapply ng extension sa kanilang pananatili sa Japan, at ang ilan sa kanila ay hindi maka-balik sa kanilang bansa dahil sa higpit ng border control sa buong mundo.
Nitong nakaraan lamang, ang ahensya ay nag-bigay na ng 1 buwang palugit sa mga dayuhan na ang status of residency ay ma-eexpire sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril, hindi kasali rito ang mga short-term stayer.
Ayon sa ahensya, ang mga dayuhan na hindi naka-balik sa kanilang mga bansa ay hindi tatratuhing illegal overstayer sa loob ng 90 araw matapos ma-expire ang kanilang mga visa.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation