Patuloy na nag-babahagi ng mga opinion ang mga opisyal ng pamahalaan ng Japan na talagang mahihirapan pawiin ang state of emergency sa buwan ng Mayo. Ayon sa mga medical experts, ang impeksyon ay hindi pa masyadong napapawi tulad ng kanilang inaasahan.
Nag-hayag ng state of emergency ang pamunuan ng Tokyo, Osaka at lima pang prepektura nuong ika-7 ng Abril. Ito ay ipinalaganap sa buong bansa nuong ika-16 ng Abril.
Masugid na sinusubaybayan ng mga opisyal ang sitwasyon ng buong bansa. Pagde-desisyonan nila kung marapat ba na pahabain pa lagpas ng May 6 ang state of emergency, ito ay matapos nilang mapag-alaman sa mga opinyon ng mga eksperto ang ukol sa kung ang human interactions ay nabawasan ng 80%, at kung ano ang kalagayan sa mga medikal na pasilidad.
Sinabi ni Economic Revitalization Minister na si Nishimura Yasutoshi sa isang programa sa NHK na ang pamahalaan ay kinakailangang makapag-desisyon nang maaga upang makapag-handa ang mga paaralan at mga kumpanya. Pinupuntirya niya ang magiging tugon ng pamahalaan ukol sa coronavirus.
Ayon sa mga eksperto, ang araw-araw na bilang ng mga kumpirmadong may impeksyon sa Tokyo at Osaka ay nananatiling mataas kumpara sa kanilang inaasahan, kahit na nag-simula ng bumaba ang bilang.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation