SAITAMA- inararo ng isang truck ang isang ramen restaurant matapos mabangga ang isang kotse sa intersection sa Soka, Saitama Prefecture, habang tumatakas sa mga pulis nitong Miyerkules.
Mula sa ulat ng Sankei Shinbun, ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang alas-5:00 ng umaga. Sinabi ng mga pulis na mayroon silang nakitang kotse na may sakay na 2 lalaki na mukhang kahinahinala ang galaw. At nang lalapitan na ito ng mga pulis upang tanungin ang mga nakasakay, bigla nitong hinarurot ang kotse na nag resulta sa pag-bunggo nila sa isang truck sa intersection.
Sinabi ng mga pulis na ang 2 sakay ng kotse at ang truck driver ay nag-tamo ng pinsala at agad na dinala sa pagamutan. Sinabi ng mga awtoridad na sila ay mag-aantay hanggang sa umayos ang kalagayan ng mga taong bago nila kuwestiyunin.
Sarado ang restaurant ng ramen nuong oras ng insidente.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation