Dalawang lalaki sa Tokyo na nasa kanilang 80`s ang sinabihan ng doktor na manatili sa kanilang tahanan sa kabila ng pagkakaroon ng lagnat, ang dalawa ay napag-alamang mayroong coronavirus matapos nitong pumanaw.
Ang isa sa mga ito ay pumanaw nuong ika-17 ng Abril matapos itong matagpuan na naka-upo sa kalsada sa Katsushika Ward at ito ay agad na dinala sa pagamutan.
Ayon sa mga imbestigador, ang resulta mula sa pag-susuri ng coronavirus ay bumalik na positibo matapos ang 4 na araw.
Napag-alaman na ang lalaki ay mayroong lagnat at pag-tatae sa loob ng 10 araw sa kabila nang mga gamot na ibinigay sa kaniya ng doktor. Ang lalaki ay patungo sa ibang ospital upang humingi ng ikalawang opinyon nang siya ay matagpuan.
Nuong ika-19 ng Abril, isa nanamang lalaki na nasa kanyang 80`s sa Nakano Ward ay agad rin pumanaw matapos isugod sa pagamutan. Kalaunan ang lalaki ay napag-alamang infected ng virus. Napag-alamang ang lalaki ay mayroong sinat sa loob ng 2 linggo at ito ay nanatili lamang sa loob ng kaniyang tahanan.
Marami nang ini-ulat na mga may parehong kaso sa iba`t-ibang bahagi ng bansa ng mga tao na sinabihan lamang na manatili sa kanilang mga tahanan sa kabila nang pag-daranas ng sama ng pakiramdam.
Mayroon din naman pagkakataon na ang mga pasyenteng naging positibo matapos magpa-suri ay pumanaw matapos sabihang manatili sa tahanan dahil hindi naman malubha ang kalagayan nito at mild lamang ang sintomas na ipinapakita.
Ayon kay Propesor Tsukamoto Yoko ng Health Sciences University sa Hokkaido, ang kondisyon ng pasyente ay madaling lumala, at ito ay hindi masasabi kung kailan. Sinabi niya na kailangan ang forward-looking treatment o agarang lunas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation