NARA — Pansamantalang sinuspende ng Templo ng Todaiji sa kapitolyo ng Nara ang pangunahing gusali nito nuong ika-24 ng Abril dahil sa novel coronavirus pandemic. Ngunit pinanatili nitong bukas ang bintana sa harapan upang makita pa rin ng taong bayan ang mukha ng napakalaking Estatwa ng Great Buddha sa loob, na nakahandang makinig sa panalangin ng mga tao.
Ang nasabing gusali ay naka-takdang buksan muli sa pagka-tapos ng ika-31 ng Mayo, ito ang pinaka-mahabang pag-sasara ng templo mula nuong katapusan ng Ikalawang Digmanan Pandaigdig. Ang bintana ay bukas sa loob lamang ng 10 araw sa loob ng isang taon. Ang mga ito ay tuwing Obon Festival, New Year`s Day at iba pang mga araw ng ritwal.
Sinimulan na rin ng templo ang 24 oras na livestream ng estatwa. Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa pag-asa ng mga tao na sana matapos na ang pandemiko, “Ngayon ang tamang panahon upang manalangin sa Magiting na Buddha.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation