Magnanakaw nanloob ng bahay, nag-demand na pakainin siya, binigyan ng 10 masks ang biktima bilang kapalit

Nangyari ang insidente sa Iwamizawa, Hokkaido Prefecture, isang magnanakaw ang nanloob sa bahay ng isang matanda, nag-demand ng pagkain at pera, ngunit pag-alis niya ay iniwanan niya ang matanda ng 10 face masks bilang kapalit.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMagnanakaw nanloob ng bahay, nag-demand na pakainin siya, binigyan ng 10 masks ang biktima bilang kapalit

Nangyari ang insidente sa Iwamizawa, Hokkaido Prefecture, isang magnanakaw ang nanloob sa bahay ng isang matanda, nag-demand ng pagkain at pera, ngunit pag-alis niya ay iniwanan niya ang matanda ng 10 face masks bilang kapalit.

Bandang alas-11 ng umaga, Marso 31, isang 88-taong-gulang na babae na nakatira sa kapitbahayan ng Kurisawacho Kurigaoka ng Iwamizawa ay nagreport sa pulis na may isang lalaki ang biglang pumasok sa kanyang bahay sa hindi naka lock na pintuan. Ang magnanakaw, na nasa kanyang late 50s o early 60s, ay may dalang isang lagari, na kung saan tinutok niya ito sa biktima.

“Bigyan mo ako ng pagkain!” paulit-ulit na sigaw ng lalaki, at sumunod naman ang matandang babae, sabi ng biktima “Binigyan ko siya ng kanin at okazu,”  “Sa palagay kaya niya nagawa yoon kasi sobrang nagugutom siya.”

Sa halip na kunin ng lalaki ang pagkain at umalis, umupo siya sa mesa at doon na kumain at humiling pa ng okawari o refill ng kanin.

Pagkatapos kumain “Sinabi niya ‘Bigyan mo ako ng pera!’ Kaya binigyan ko siya ng 2,000 yen),” sabi ng babae, ayon sa mga ulat.

Tila sapat na ito at tila nakunteto naman ang lalaki, at bago nga ito umalis iniwan niya sa matanda ang isang stack ng halos 10 mask.

Source:Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund