Ang mga estudyanteng hindi maka-uwi sa kanilang mga tahanan dahil sa coronavirus outbreak ay maaaring maging eligible na maka-tanggap ng mga care packages mula sa lokal na pamunuan, ito ay puno nang mga lokal na produkto.
Ang pamunuan ng Lungsod ng Tsubame sa Niigata Prefecture ay nag-simula nang tumanggap ng mga application para sa mga care package simula nuong April 10. Mahigit 490 mag-aaral ang nag-apply, ito ay mahigit doble sa inaasahan ng pamunuan ng lungsod. Ang mga mag-aaral na taga-lungsod ngunit kasalukuyang naninirahan sa labas ng prepektura ay maka-tatanggap ng 5 kilong bigas na produktong lokal, uri ng Koshihikari, mga gulay, miso at iba pang mga items.
Ang ideya ay nag-mula sa mga may-ari ng mga maliliit na negosyo, umaasang ma-encourage ang mga mag-aaral na pansamantalang huwag munang umuwi dahil sa COVID-19 outbreak. Bumili ng mga lokal na produkto mula sa mga mag-sasaka ang mga may-ari ng negosyo at ito ay ipinadala na kasama ang fabric face mask na gawa ng lungsod. Ang laman ng care package ay nagkaka-halaga ng 5,000 yen.
“Medyo na a-anxious na ako dahil hindi ako nakaka-pasok sa unibersidad at hindi rin makapag-hanap ng trabaho,” ani ng isang 21 anyos na senior college na naninirahan sa Saitama Prefecture na naka-tanggap ng care package. “Nuong natanggap ko ang bigas na inani at lokal na tinanim sa aming lugar, halos maiyak ako.”
Plano rin ng pamunuan ng Toyama Prefecture na mag-padala ng 2 kilong bigas na Fufufu brand sa 16,000 na estudyanteng naninirahan sa labas ng prepektura mula sa Toyama. May ilang mga kondisyon upang maka-tanggap ng bigas, kabilang ang pag-payag na maka-tanggap ng impormasyon ukol sa patrabaho sa prepektura. Plano ng prepektura na ipadala ang mga bigas sa unang yugto ng Mayo.
Ang ilang lokal na pamahalaan ay ginagawang kondisyon ang hindi muna pag-uwi ng makaka-tanggap sa kani-kanilang mga tahanan ngayong Golden week mula late April hanggang early May.
Plano naman ng Nagai City sa Yamagata Prefecture na mag-padala ng care package na nagkaka-halaga ng 3,000 yen na napapa-looban ng 2 kilong bigas ng Tsuyahime o Yukiwakamaru brand at dalawang bag ng ball-shaped konyyaku, isang parang jelly na pagkain na gawa sa konjak. Ang mga package na ito ay makakarating sa mga estudyanteng naninirahan sa labas ng prepektura bandang Mayo, 1.
Ang ang pamunuan ng Rausu town sa Hokkaido ay mag-bibigay ng mga care package na nagkaka-halaga ng 3,000 hanggang 4,000 yen sa mga estudyanteng naninirahan sa labas ng lungsod at hindi maka-uuwi sa kanilang tahanan hanggang ika-6 ng Mayo ang huling araw ng Golden Week para sa taong ito. Ang package ay nag-lalaman ng dried salmon jerky, furikake rice seasoning at ramen noodles na gawa gamit ang konbu na siyang espesyalidad na produkto ng nabanggit na lugar.
“Nais namin na maipadama ang aming pasasalamat sa mga estudyanteng nais umuwi ngunit hindi maaari dahil sa kasalukuyang sitwasyon,” ayon sa alkalde ng Rausu na si Mayor Minoru Minatoya.
Source and Image: The Japan News/ The Yomiuri Shimbun
Join the Conversation