MANILA, Philippines (AP) — dinagdagan pa ng Pangulong Duterte ng kalahating buwan hanggang April 30 ang lockdown sa northern region ng bansa na nag-rerequire sa milyong-milyong katao na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa coronavirus outbreak.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes sa isang late-late-night TV speech na ang gobyerno ay desperadong nag-hahanap ng karagdagang pinansyal at pagkaing pondo upang maiwasan na magutom ang mga dukha. Mayroon ding appeal mula sa mga middle-middle-class na pamilya na mabigyan din sila ng emergency aid o tulong.
“Kung wala nang makain, ang isang tao ay maaaring maging bayolente lalo na kung nakikita niyang wala nang makain ang kanyang mga anak at umiiyak,” sinabi rin ng Pangulo na inutusan na niya ang finance secretary na “Mag-nakaw, mang-hiram, wala akong paki-alam, ” upang makapag-produce ng karagdagang emergency funds.
Tinarget ng pamahalaan ang 18 milyon na mababang kita na mga pamilya para sa economic rescue na nasa ilalim ng lockdown sa 275 bilyong piso ($5 billion) na budget sa susunod na 2 buwan. Sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa foreign correspondents nitong Lunes na mahigit 16.3 bilyong piso (#320 million) na ang nai-distribute sa kasalukuyan.
Ini-utos ni Duterte na mas bilisan ang pag-bigay ng ayuda sa gitna ng mga reklamo sa pagka-delay at kaguluhan kung sino o kanino dapat ito ibigay.
Iniulat ng Pilipinas na mayroong itong 3,660 na kaso ng COVID-19 disease, kabilang ang 163 na namatay.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation