TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki na nasa kanyang 60`s dahil ito di umano ay nanloob sa isang tindahan sa Toshima Ward matapos mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, mula sa ulat ng NHK (Apr. 25).
Bandang alas-2:00 ng umaga ng ika-23 ng Abril, ang lalaki na hindi na pinangalanan ay nanloob di umano sa isang grocery store at nag-nakaw ng 20 items kabilang ang instant ramen, bigas, alcohol at gulay, tinatantiyang aabot ng 1 lapad ang mga nakuhang items.
“Ako ay nagutom matapos ako mawalan ng trabaho dahil sa new coronavirus, ” sinabi umano ng suspek sa Mejiro Police Station. Isinilid ng suspek ang kaniyang mga kinuha pagkain sa kanyang bagpack.
Nuong mangyari ang pag-nanakaw, tumunog ang security system nang nasabing pamilihan. Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek.
Ayon sa datos ng Ministry of Health, Labor and Welfare, ang bilang ng mayroong coronavirus infections sa Japan ay tumaas ng 172 sa 14, 325 nuong Lunes. Ang bilang sa kasalukuyan ay bumababa na. Nuong nakaraang linggo ito ay pumatak sa bilang na 345.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation