Lalaki, arestado sa pananaksak sa real estate agent habang pinapakita ang apartment

Isang 24-taong-gulang na walang trabaho na lalaki ang naaresto sa hinalang tangkang pagpatay at pagnanakaw matapos nitong saksakin ang isang 23-anyos na babae, na nagtatrabaho para sa ahensya ng real estate, habang ipinapakita sa kanya ang isang apartment sa Yokohama noong Sabado. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

YOKOHAMA

Isang 24-taong-gulang na walang trabaho na lalaki ang naaresto sa hinalang tangkang pagpatay at pagnanakaw matapos nitong saksakin ang isang 23-anyos na babae, na nagtatrabaho para sa ahensya ng real estate, habang ipinakikita sa kanya ang isang apartment sa Yokohama noong Sabado.

Sinabi ng pulisya, ang suspek na si Yuki Nishiyama, na walang permanenteng address, ay natagpuan sa Ibaraki Prefecture noong Sabado ng gabi, na minamaneho ang sasakyan na kanyang ninakaw mula sa ahente ng real estate na si Chiaki Hayashi, iniulat ng Fuji TV.

Sinabi ng pulisya na si Hayashi, na nakatira sa Kawasaki, ay nagsabi sa pulisya na ipinakita niya ang isang apartment na gusto nitong makita, at sinaksak siya nito habang nasa apartment sila. Ninakaw ang kanyang handbag na naglalaman ng cash at tumakas gamit ang sasakyan ng ahensya ng real estate na ginamit ni Hayashi na nakuhang pang makagapang papalabas ng apartment.

Isang passerby ang nakakita kay Hayashi na nakahiga sa kalsada at tinawag ang 110. Siya ay nagtamo ng saksak sa likod at dibdib. Sinabi ng pulisya na nasa stable na kondisyon siya noong Linggo.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund