Kakaunting tao lamang ang nakita sa mga pangunahing transportasyon sa Tokyo at ang mga lansangan ay tahimik sa buong Japan sa panimula ng mahabang bakasyon sa Japan nitong Miyerkules.
Ayon sa Japan Railway group companies, mas mababa sa 10 porsyento ng mga non-reserved seat sa lahat ng shinkansen bullet trains ang okupado nitong umaga ng Miyerkules.
Sinabi rin ng kumpanya na marami sa mga reserved seats ay bakante, at ang bilang ng mga reservations nuong ika-21 ng Abril ay bumaba ng 95 porsyento kumpara nuong nakaraang taon.
Isang ginang na nasa Tokyo Station ay nag-sabi na siya ay uuwi sa kanyang bayan sa prepektura ng Miyagi, northeastern Japan, upang makasama ang kanyang mga magulang na may edad na.
Sinabi niya na binibisita niya ang kanyang mga magulang ng 3 beses sa isang buwan upang maalagaan at ito ay kailangan niyang ipag-patuloy kahit pa mayroong coronavirus outbreak.
Ikinansela ng All Nippon Airways ang mahigit 85 porsyentong domestic flight nito, at 60 porsyento naman ang ikinansela ng Japan Airlines.
Sinabi ng Japan Airlines na ang bilang ng reservations nila sa domestic flights mula Miyerkules hanggang ika-6 ng Mayo ay bumaba ng 9.5% ng parehong panahon nuong nakaraang taon. Sinabi ng kumpanya at ng iba pang mga airlines na nakansela ang karamihan sa mga reserbasyon sa kanila.
Isa namang ginang na nasa Haneda Airport sa Tokyo ay nag-sabi na siya ay patungo sa Miyazaki Prefecture, southwestern Japan, dahil na-ospital ang kanyang ina.
Walang nai-ulat na traffic congestion o traffic jam sa mga expressway kahit saan man sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation