Habang ang karamihan ng mga tindahan ay nag sarado na sa buong Japan sa panahon ng isang state of emergency, ang ilang mga pachinko ay nananatiling bukas
Kahit na ipinataw ng Japan ang isang state of emergency sa Tokyo at anim na iba pang mga lugar noong Abril 7, pagkatapos ay pinalawak ito sa buong bansa noong nakaraang linggo, ang ilang mga parlors ay nag-ooperate pa din tulad ng dati.
Ang mga parlors ay matatagpuan sa buong Japan, na nagpapa-sakit ng ulo para sa mga opisyal na sinusubukan na pabagalin ang pagkalat ng coronavirus.
“Nais naming isaalang-alang ang isang susunod na hakbang laban sa mga pachinko parlors na hindi sumunod, tulad ng isang pampublikong anunsyo,” sinabi ng Ministro ng Ekonomiya ng Japan na si Yasutoshi Nishimura sa mga mamamahayag sa linggong ito.
Ang dalawang pangunahing chain ng pachinko ng Japan na Maruhan at Dynam, ay nagsabi sa Reuters na higit sa kalahati ng kanilang daan-daang mga branches ay sarado na, o isasara sa katapusan ng linggo. Ang iba ay nananatiling bukas na may mga isinasagawang pag-iingat na hakbang para maiwasan ang impeksyon virus.
“Ang mga lugar na nahahawakan ng marami, tulad ng mga machine ng pachinko, mga handle ng machine at locker, ay palaging pinupunasan ng alkohol,” sabi ng isang tagapagsalita ng Dynam. “Ang mga kondisyon sa bawat lokasyon ay magkakaiba-iba, kaya ang mga hakbang sa pag social distancing ay isinasagawa ng kada parlors.”
“May panggigipit mula sa mga opisyal at lipunan, ngunit ang ilang mga may-ari ng pachingko ang nagsabi na hindi madaling mag-shut down, dahil ang aming mga negosyo ay maaaring maharapin sa panganib ng pagkalugi kung ang sitwasyon ay magpapatuloy,”.
© Thomson Reuters 2020
.
Join the Conversation