Ayon sa mga opisyal sa western Japanese city ng Osaka, mayroong isang ospital duon na sinabihan ang isang nurse na patuloy na mag-trabaho kahit na ito ay naging positibo sa pag-susuri sa coronavirus.
Napag-alaman umano ng mga opisyal ang alegasyon matapos mabasa ang isang tweet laban sa Namihaya Rehabilitation Center sa Osaka.
Sinabi ng mga opisyal na ang nasabing nurse ay na-kumpirmang positibo nuong Lunes. Ngunit sinabi umano ng ospital na ipag-patuloy ang trabahong overnight-shift na naka-schedule nuong araw na iyun, kahit na alam na nila ang naging resulta ng pag-susuri.
Ang nasabing pagamutan ay mayroong 126 na kaso ng coronavirus. Ang mga infected na pasyente ay naka-lagak sa hiwalay na ward. Sinabi ng ospital na ang nurse ang nag-aalaga sa mga pasyenteng mayroong kumpirmadong sakit ng virus.
Ayon sa mga opisyal ng ospital, sinabihan nila ang nurse na ipag-patuloy ang pagtatrabaho dahil wala sila umanong makitang agarang kapalit.
Pinag-sabihan ng opisyales ng lungsod ang ospital na hindi na ito dapat maulit.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation