MATSUE — isang 66 anyos na residente sa isang western Japan city ang inaresto nuong April 6 matapos humarap sa kasong suspicion of forcible obstruction of business matapos manakot na “ikalat” umano ang novel coronavirus, ani ng mga pulis.
Isang ginang na walang trabaho ay inakusahan na ginugulo ang normal na pag-tatrabaho sa Matsue City Hall. Sinabi nito umano sa isang mang-gagawa sa munisipyo bandang alas-10:30 ng umaga nuong April 6 na, “Nag-punta ako sa Tokyo. Pumunta ako dito para mag-kalat ng coronavirus.” at “Kapag inalis ko itong mask ko at mag-salita, yun lang ang kakailanganin para maikalat ko ang virus.”
Ayon sa Shimane Prefectural Police, ang ginang ay hindi raw talaga nag-punta sa Tokyo, at walang ipinapakitang sintomas na siya ay mayroong sakit.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation