Isa nanaman pulis ang nag-positibo sa Coronavirus

Isang police officer sa isang driver's license center sa Tokyo ang nag-positibo sa pag-susuri sa virus nuong Huwebes. Ito ay ang kauna-unahang pulis sa police department sa kapitolyo ang kumpirmadong nahawaan ng sakit. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsa nanaman pulis ang nag-positibo sa Coronavirus

Isa nanamang police officer sa central Tokyo ang naging positibo sa coronavirus, na nag-sanhi upang pansamantalang pag-libanin sa trabaho ang kaniyang mga kasamahan.

Ayon sa Metropolitan Police Department, ang resulta sa pag-susuri sa 23 anyos na pulis sa Akasaka Police Station sa Minato Wars ay natanggap nuong Sabado.

Ayon sa departamento, ang police officer ay na diagnosed na mayroong sipon nuong ito ay nagpa-suri sa ospital nuong Martes dahil sa pananakit ng lalamunan at lagnat. Sinabi rin nito na ang pulis ay nanatili sa kanyang tahanan hanggang sa siya ay magpa-suri sa isa pang medical institution.

Sinabi naman ng departamento na wala sa kanyang mga katrabaho ang nakaranas ng sintomas na posibleng sanhi ng nasabing sakit. Ngunit halos 60 porsyento ng mga ito ang ipag-papaliban sa trabaho simula ngayong Sabado.

Nagpa-disinfect na ng police station ang departamento at nagpaplanong mag-dispatch ng 100 kapulisan upang mapanatili ang kanilang tungkulin.

Isang police officer sa isang driver’s license center sa Tokyo ang nag-positibo sa pag-susuri sa virus nuong Huwebes. Ito ay ang kauna-unahang pulis sa police department sa kapitolyo ang kumpirmadong nahawaan ng sakit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund