Ipinapanawagan ni Koike na ma-extend ang State of Emergency sa buong bansa

Naki-usap ang pamahalaan sa mga tao na huwag munang bumyahe ngayong holidays. Walang lockdown sa Japan, at ang ilang mga negosyo at kainan ay nananatiling bukas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga taong naka-upo sa isang park sa Yokohama, hindi man lamang isina-isip ang social distancing.

 “ Ang Tokyo ay patuloy na nahaharap sa isang malubhang sitwasyon kung kaya’t ito ay nais kung patagalin,” ani niya sa mga reporters.

Binanggit niya ang inu-ulat na araw-araw na kaso ng COVID-19 sa Tokyo kamakailan ay umabot na ng 100 katao. Mayroong bagong ini-ulat na 47 bagong kaso sa Tokyo nitong Miyerkules lamang, na nag-dadala ng kabuoang bilang ng mga may impeksyon sa kapitolyo sa 4,106.

Ang kabuoang bilang sa buong bansa na may impeksyon ay umaabot na sa 13,895, kabilang ang 413 na namatay.

Ang state of emergency na idineklara ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay matatapos sa ika-6 ng Mayo, na siyang hudyat ng pag-tatapos ng Golden Week holiday na nag-simula ngayong linggo.

Naki-usap ang pamahalaan sa mga tao na huwag munang bumyahe ngayong holidays. Walang lockdown sa Japan, at ang ilang mga negosyo at kainan ay nananatiling bukas.

Ngunit ang palaging puno ng byahero na tren at ilang mga kalsada sa Tokyo ay nabawasan na ng mga tao at may mga oras na ito ay nag-mumukhang abandonadong lugar.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund